Inaresto ng mga awtoridad ang isang 52 anyos na negosyanteng kumakandidato bilang kagawad sa BSKE dahil sa umano’y pamimili nito ng boto sa Barangay Bagong Barrio, Pandi, Bulacan.
Nakuha sa pag-iingat nito ang higit P35,000 cash, DSWD general intake sheets at sample ballots.
Ayon kay Police Regional Office-3 Director Police Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr, ang vote-buying ay isang uri ng election offense na may karampatang parusa na aabot sa isang taon hanggang anim na taong pagkakakulong.
Pinaalalahanan rin ng opisyal ang publiko nba kaagad ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang anumang insidente ng vote-buying at vote selling sa kanilang lugar.
Samantala, ang nahuling suspect ay nasa kustodiya na ng Pandi police station para sa kaukulang disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso.