Inaresto ng Vatican police ang isang negosyanteng Italian na tumulong sa Vatican para sa kontrobersyal na pagbili ng mamahaling property sa London.
Nahaharap si Gianluigi Torzi sa mga reklamong pangingikil, panglulustay ng pondo, aggravated fraud at money laundering kaugnay sa $200-millon deal.
Sa pahayag ng Holy See, nananatili ngayon si Torzi sa Vatican police barracks, at nahaharap sa 12 taong pagkakabilanggo sakaling mapatunayang nagkasala.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Vatican ang biniling gusali noong 2018.
Ang nasabing apartment block sa Sloane Avenue sa Chelsea, London ay binili ng Secretariat of State gamit ang pondo ng simbahan.
Pero sinasabing tinaasan daw nang husto ang presyo ng nasabing pag-aari.
Noong Oktubre nang salakayin ng pulista ang tanggapan ng Secretariat at sinamsam ang mga dokumento at computer.
Sinuspinde rin ng Vatican ang limang mga opisyal, at pinagbawalang makapasok sa city state.
Ayon kay Pope Francis, may katiwalian umano sa ilang parte ng kasunduan. (BBC)