-- Advertisements --

Hindi dumalo ang negosyanteng si Jam Ignacio sa imbitasyon sa kaniya ng National Bureau of Investigation (NBI).

May kaugnayan ang nasabing kaso sa reklamo ng kaniyang fiancee na si Jellie Aw dahil sa pambubugbog.

Ayon sa abogado ni Ignacio na si Atty. Oscar Karaan, na handa nila ng harapin ang kaso kapag naisampa na sa prosecutors office.

Sinulatan na rin aniya nila ang NBI at sinabing hindi na sila dadalo sa pagdinig na isasagawa ng NBI.

Umaasa naman ang kampo ng negosyante na maayos nila ang nasabing kaguluhan.

Magugunitang inirekamo ng vlogger/ DJ ang nobyo dahil sa pananakit sa kaniya noong Pebrero 12.