-- Advertisements --
Nagsampa ng reklamong estafa sa Manila Regional Trial Court ang negosyanteng si Joel Cruz laban sa kaibigan nitong socialite na si Becky Garcia at fashion designer na si Albert Andrada.
Kasama rin sa kaso sina Angel de Jesus, Lawrence Plata at Rada Agasen.
Ayon kay Cruz, na ipinakilala sa kanila ni Becky at Albert sina de Jesus, Plata at Agasen.
Inalok siya na isasama sila kabilang ang mga anak sa fashion show ni Andrada sa Paris Fashion Week sa Westin Vendrome Paris noong 2023.
Makailang beses na itong ipinagpaliban hanggang tuluyan ng nakansela.
Gumastos pa ito ng ilang milyon ng magtungo siya kasama ang mga anak at yaya nila sa Paris.
Dagdag pa nito na bumuo pa umano sila ng kumpanya at nagbayad pa siya ng aabot sa P4-M.