Dumating na sa Cairo, Egypt ang negotiating team ng Israel para makipagpulong ukol sa isinusulong na ceasefire deal.
Mahigpit pa rin na isinusulong kasi ng mga international mediators ang pagkakaroon ng tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ilan sa mga kondisyon ng Israel ay dapat tuluyang mapalaya ang mga bihag na hawak ng Hamas habang ang Palestinian Authority ay nanawagan din na dapat lisanin na ng Israel ang Gaza.
Base sa isinusulong ng ceasefire deal ng Egypt, Qatar at US na mayroong tatlong yugto ang nasabing ceasefire deal.
Ang Phase 1 ay kinabiiblangan ng anim na linggong ceasefire, pagpapalit ng mga babae, matatanda at sugatang bihag ng Hamas sa mga Palestinian prisoners ng Israel, withdrawal ng mga Israel Forces mula sa GAza, pagpapauwi sa mga Palestino sa kanilang bahay sa Gaza at ang pagbigay ng mga tulong.
Habang ang Phase 2 ay kinabibilangan ng permanenteng pagtigil ng giyera, pagpapalaya sa lahat ng bihag ng Gaza at mga preso at ang tuluyang pag-alis ng mga Israeli force habang ang Phase 3 ay ang multiyear reconstruction plan sa Gaza at ang pagbabalik sa Israel ng mga bangkay na bihag ng Hamas.