-- Advertisements --

Plano ni UN Secretary General Antonio Guterres na ibalik ang “negotiations” sa pagitan ng Israel at Palestinians.

Aniya, ikinatuwa kasi niya ang napagkasunduang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas kaya kailangan pa rin mapag-usapan ang dahilan ng hidwaan.

Nanawagan din ito para sa matatag na pamamahagi ng humanitarian aid sa mga residente sa Gaza.

Binigyang diin pa ng secretary general, may malaking responsibilidad ang mga lider ng Israel at Palestinian sa pagpapanumbalik ng pagiging kalmado ng nasabing mga bansa at malaman ang ugat ng hindi pagkakaintindihan.

Ang Gaza ay isang mahalagang bahagi ng estado ng Palestinian kung kaya’t dapat na matugunan ang mga dahilan upang mapigilan ang pagkahati-hati rito.

Nauna nang pinuri US President Joe Biden ang napagkasunduang ceasefire ng Israel at Palestinian militant group Hamas matapos ang 11 araw na kaguluhan sa Gaza strip.

Aniya, katuwang ng Israel ang Amerika sa pagdepensa laban sa mga teroristang grupo.