BACOLOD CITY – Pangarap na maging world champion sa huli ng Negrense athlete na gumawa ng kasaysayan sa larangan ng boxing para sa Western Visayas sa Palarong Pambansa.
Naging makaysayan ang panalo kahapon ni Sugary Montales ng Brgy. Mailum, Bago City laban kay Kim Bryan Cabrillos sa Youth Boys 56-kilogram o bantamweight division na galing sa Northern Mindanao sa Palarong Pambansa 2019 sa lungsod ng Davao.
Nanalo via split decision ang 17-anyos na si Montales kontra kay Cabrillos na siyang defending champion sa Palarong Pambansa 2018.
Mula sa 10 boxers na nagrepresent ng Western Visayas, si Montales lang ang nakapasok sa finals match.
Si Montales ang Grade 12 student ng Ramon Torres National High School main campus sa lungsod Bago.
Siya ang gumawa ng kasaysayan bilang pinakaunang atleta gikan sa Western Visayas sa loob ng maraming taon na nakakuha ng gold medal sa boxing sa Palarong Pambansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Montales, malaki ang pasasalamat nito sa Diyos, sa kanyang mga coaches at sa lahat ng sumuporta sa kanya.
Hangad nitong maging world champion sa huli kagaya ng kanyang idolo na si 8-division world champion Sen. Manny Pacquiao.