Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Occidental Rep. Jose Francisco Bantug Benitez bilang bagong Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Bago naitala sa TESDA, naging pinuno siya ng House committee on housing and urban development.
Naging vice chairperson din siya ng special committee on creative industries and performing arts.
Narito naman ang educational background ni Benitez:
– Ph.D., Major in Comparative Literature, Minor in Southeast Asian Studies, University of Wisconsin-Madison, 2004
– M.A., Comparative Literature, University of Wisconsin-Madison, 1996
– B.A., Comparative Literature, (summa cum laude) and English (cum laude), Cornell University, 1993
Una rito, nagbitiw ang pinuno ng ahensya noong nakaraang buwan dahil sa magiging pagtakbo nito sa halalan sa susunod na taon.
Ayon kay Sec. Suharto “Teng” Mangudadatu, maaayos naman siyang nagpa-alam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago bumaba sa tungkulin.
Giit ni Mangudadatu, patuloy pa rin syang tutulong sa abot ng kanyang makakaya sa administrasyong Marcos o maging sa bagong liderato ng TESDA.