BACOLOD CITY – Nakahanda ang alkalde ng Escalante City dito sa lalawigan ng Negros Occidental na harapin ang anumang penalidad may kinalaman sa pagpabakuna laban sa COVID-19, dahil naniniwala ito na wala siyang nagawang kasalanan.
Ayuokay Mayor Melecio “Biboy” Yap Jr., wala pa itong natatatanggap na show cause order mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) patungkol sa natanggap na bakuna.
Naniniwala si Yap na walang mali sa pagpapabakuna nito matapos na ini-suhestiyon ito sa kanya ni Dr. Vermont Khan Juvahib, ang Administrative Officer ng Vicente Gustilo District Hospital.
Ipinahayag nito na 150 doses ng Sinovac Vaccine ang itanalaga para sa mga healthcare workers sa ospital ng lungsod, ngunit 47 lang ang mga medical frontliners na pumayag magpabakuna.
Dahil sa pag-udyok ng Administrative Officer na magpabakuna ang alkalde sa layuning makahikayat pa ng mas maraming healthcare workers na magpabakuna, kaya pumayag ito na magpaturok.
Pahayag pa nito na hindi nya agad naunawaan ang nilalaman ng Resolution 104 ng National Inter-Agency Task Force (NIATF), kaya inakala nito na kasama na ang mga government officials sa pinapayagan na mabakunahan.
Para hindi masayang ang bakuna at huwag bawiin ng National Government, isinama din nito bilang Quick Response Replacement kapalit ng mga healthcare workers ang lahat ng empleyado ng City Hall.
Una ng ipinahayag na ang COVID-19 vaccines ang kailangang maiturok agad matapos na mailabas.