-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Aminado si Congressman at Atty. Jil Bongalon, Ako Bicol Partylist Representative na malaki ang posibleng kaharapin ni Negros Oriental Congressman Arnie Teves sa pananatili sa ibang bansa kahit pa nag-expire na ang Travel Order nito.

Ito’y matapos na manawagan si House Speaker Martin Romualdez na umuwi na sa Pilipinas si Teves at harapin ang mga ibinabatong alegasyon sa kanya na sya ang nasa likod o mastermind sa asssination kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bongalon, kasong administratibo at kaso sa ethics committee ng Kamara ang posibleng iakyat laban sa mambabatas dahil sa hindi nito agad na pagbalik sa bansa kahit pa paso na ang Travel Oder nito nang Marso 9.

Ngunit nilinaw pa rin ng opisyal maliban sa huling araw ng Travel order biniigyan pa rin ng sapat na oras at panahon ang isang opisyal upang makanalik sa bansa.

Samantala, pinaliwanag din ni Bongalon ang naging pahayag ni Teves patungkol sa umano’y pagpapapaslang kay Degamo, kung saan mariing tumanggi ang opisyal.
Kaugnay nito ni AKB Representative na bilang abogado inosente pa ring maituturing si Teves hangga’t hindi pa napapatunayan sa korte sa korte ang mga alegasyon.