-- Advertisements --
Inilabas ng Malakanyang na Oath of Office ni Gov Degamo

“Final and executory na ang desisyon ng en banc” at hindi na umano mapawalang-bisa.

Ito ang naging tugon ni Negros Oriental Governor Roel Ragay Degamo kasunod ng mga kumakalat na usap-usapan na magbabalik sa pwesto ang kabilang kampo bilang gobernador ng lalawigan.

Isinapubliko din ni Degamo ang nilagdaan na Oath of Office na kanyang isinumpa sa harap ng Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Humiling naman ang gobernador na tumigil na at tanggapin nalang ang desisyon dahil aniya ay hindi na ito mababago.

Para sa ikatatahimik ng probinsya at mga supporters, hiniling din nito na sana suportahan na lang ang isa’t isa at tigilan na ang mga walang katotohanang mga sabi-sabi.

Samantala, nagpasalamat si Degamo sa pagbisita ni Senator Imee Marcos sa Dumaguete City kahapon, Nobyembre 20.

Pinangunahan ng senadora ang pamamahagi ng Php 3,000 na ayuda para sa mga benepisyaryo sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development.

Alinsunod sa aktibidad, namahagi din si Marcos ng nutribun sa mga bata.