-- Advertisements --

CEBU – Tinupad ni Gobernador Pryde Henry Teves ang kanyang pangako na bababa siya sa Negros Orient Provincial Capitol ngayong araw ng Martes kung hindi maglalabas ng TRO ang korte suprema.

Nabatid na walang inilabas na desisyon dahil binigyan ng Korte Suprema ng 15 araw para tumugon ang kabilang kampo sa petisyon at ang mga abogado ni Gov. Teves.

Ayon kay Teves na habang hinihintay ang desisyon ng Korte Suprema, bababa muna siya para hindi mabulelyaso ang transaksyon sa gobyerno at suweldo ng mga kawani sa Provincial Capitol.

Nagpasalamat din si Gov Teves sa lahat ng mga tagasuporta, mga opisyal sa pagsuporta sa kanya.