-- Advertisements --
image 80

Nagtamo ng higit sa sampung tama ng bala ng baril sa katawan si Governor Roel Degamo, at isang tama sa puso na siya nitong ikinamatay.

Ayon sa mga pulisya, under custodial investigation na ang tatlong nahuli sa Bayawan City kung saan ang dalawa ay dating sundalo.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng pinagsamang pwersa ng Police Regional Office -7, Philippine National Police Special Action Force at ng Philippine Army nahuli sina Joven Aber at Joric Labrador na pawang dating mga sundalo at isa pang suspek na si Benjie Rodriguez.

Dalawang baril na caliber 45 ang nakuha sa nasabing paghuli.

Samantala, ayon naman kay PNP PRO-7 Spokesperson Lt. Col. Gerard Ace Pelare, nagpapatuloy ang isinasagawang hot pursuit operation para sa iba pang mga suspek at ang imbestigasyon para mabatid ang motibo sa pagpatay sa gobernador.