-- Advertisements --

Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ngayong araw, Marso 4, bilang pag-alala sa ikalawang taong anibersaryo ng pagkamatay ni dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 9 na iba pa.

Kabilang sa mga ito ay ang ecumenical worship sa Bonawon, Siaton kaninang alas 10 ng umaga; Medical/Legal services kaninang ala 1 ng hapon at Peace rally sa alas 4 sa hapon.

Inihayag sa biyuda nitong si Mayor Janice Degamo na hindi pa aniya mawala agad ang sakit lalo pa’t hinahangad nila ang hustisya na maisilbi.

Hanggang ngayon, aniya, naaalala pa rin nila ang mga araw na nangyari noong Marso 4,2023 na may kalungkutan at sakit.

Umaasa naman ang opisyal na patuloy silang may pag-asa at patuloy na magtitiis na balang araw, mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.