Tiniyak ngayon ng Negros Oriental Police Provincial Office ang kahandaan sakaling lumala ang sitwasyon ng bulkang Kanlaon sa isla ng Negros.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay NOPPO spokesperson PLt Stephen Polinar, sinabi nito na araw-araw pa umanong nagbabago ang kalagayan ng bulkan kaya may mga inihanda na umano silang contingency plan.
Sinabi pa ni Polinar na sapat naman ang kanilang mga paghahanda para rito at kung mangyari man ang kinatatakutan ay isasailalim pa aniya ang control sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at sa kung paano nila isasagawa ang deployment plan.
Aniya, sa kabila ng serye ng kaganapan ngayong taon, ginagawa pa nila ang lahat ng kanilang makakaya katuwang ang iba pang ahensya upang matiyak na ang ginawang paghahanda ay ganap na epektibo.
Noong Martes lang, Abril 8,nang muling sumabog ang bulkang Kanlaon na tumagal ng halos isang oras at nagdulot ng malawakang ashfall.
Kasalukuyan namang nananatili sa mga evacuation center ang libo-libong apektadong mga residente.