-- Advertisements --

Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang vice mayor ng Tanjay City, Negrols Oriental hinggil sa umano’y maanomaliyang pagbili ng mga construction materials habang siya ay alkalde pa ng naturang lungsod noong 2011.

Sa 30 pahinang desisyon na may petsang Pebrero 22, inabsuwelto ng First Division ng Sandiganbayan si Vice Mayor Lawrence Solis Teves dahil sa kabiguan ng prosekusyon na mapatunayan na siya ay guilty sa kasong graft.

Kaya ipinag-utos na rin ng anti-graft court ang release sa bail bond ni Teves at pagtanggal na rin sa hold departure order laban dito.

Nag-ugat ang naturang kaso sa pagbilit ng mga materyales na nagkakahalaga ng P280,876.34 mula sa Megatrend Enterprises para sa pagsasaayos sa kanilang covered canals sa Barangay 5 at 6 sa Tanjay City.

Ayon sa prosekusyon, isinagawa ang naturang kontrata na hindi dumaan sa public bidding at wala ring resolusyon mula naman sa Bids and Awards Committee na nagsasabi at nagrerekominda sa paggamit ng alternative mode sa procurement.

Subalit sinabi ng Sandiganbayan na ang proseksyon ay walang kaso laban kay Teves maliban na lamang sa naging lagda nito sa mga dokumento na may kaugnayan sa pagbabayad sa Megatrend.