-- Advertisements --

Nag-alok ang negosyanteng si Chavit Singson ng P5-milyon para kay Olympic double gold medalist Carlos Yulo pero may isang kondisyon.

Sa social media account nito, na ang ibibgay niyang P5-milyon ay hindi dahil sa nakakuha si Yulo ng dalawang gintong medalya subalit dahil nais nito ng magkakasama-sama silang buong pamilya.

Saad pa ng dating Ilocos Sur Governor na naramdaman niya ang sakit sa isang ama na may tampuhan sa anak at masakit na hindi ito inimbita.

Aminado si Chavit na hindi madali na pagsamahin muli ang mag-ina dahil sa tampuhan ng dalawa.

Magugunitang nagkaroon ng tampuhan si Yulo sa ina dahil umano sa relasyon niya sa nobya nitong si Chloe San Jose.