Nahalal bilang senior majority leader ang neophyte lawmaker at presidential son Ilocos Rep. Sandro Marcos.
Isinagawa ang botohan sa isinagawang session ng House of Representatives nitong Martes ng hapon.
Si Marcos ay hinirang o nominated ng majority bloc bilang senior deputy majority leader.
Walang nagpahayag ng objection sa nomination ng nakababatang Marcos.
Ang 28-year-old lawmaker ay pamangkin ni House Speaker Martin Romualdez.
Si Zamboanga City 2nd District Rep. Mannix Dalipe ang siyang majority leader ng 19th Congress.
Inihayag din sa session ang halalan ng mga deputy majority leaders na sina Reps Josephine Lacson-Noel, Marlene Primicias-Agabas, Lianda Bolilia, Franz Pumaren, at Jude Acidre.
Samantala, itinalaga bilang assistant majority leaders sina Rep Anna Victoria Veloso Tuazon, Sancho Fernando Oaminal, Jaime Cojuangco, Richard Gomez, at Raul Angelo Bongalon.
Ang Committee on Rules ay tradisyunal na ang unang panel na nag-aayos sa House of Representatives.