Pinayuhan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga neophyte sentors na mag-focus muna sa pag-aaral ng kanilang trabaho bilang mambabatas sa halip na makibahagi sa anumang hakbang sa pagbabago ng liderato sa kapulungan.
Ginawa ni Drilon ang naturang pahayag matapos na mapaulat na gusto ng mga bagong halal na mga senador na italaga si Sen. Cynthia Villar sa posisyong kasalukuyang hawak ni Senate President Vicente Sotto III.
Ayon kay Drilon, ang trabaho ng isang neophyte senator ay malayo sa pagiging involved sa pagbabago ng liderato sa Senado.
Sa oras na ianunsyo man daw ng isang neophyte senator ang pagnanais nitong alisin sa puwesto ang nakaupong Senate President, wala raw makikinig dito, maliban na laman kung nakagawa ng “mortal” na kasalanan ang tatanggaling lider.
Kasabay nito, iginiit ni Drilon na batay sa kanyang mga naging karanasan sa Senado, walang nag-aanunsyo ng coup laban sa Senate President.