-- Advertisements --

Nagsalita na ang actress at negosyanteng si Neri Naig-Miranda matapos ang ilang buwan ng mabasura ang mga kaso nito sa kaniya.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan noong ito ay naaresto ng mga kapulisan ganun din noong siya dinala sa detention center ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong Nobyembre 2024.

Kasama rin ay ibinahagi niya ang pahayag ng kaniyang abogado matapos mabasura ang kasong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code.

Ayon sa actress na hindi niya lubos akalain na mailalagay ang pangalan nito bilang “Most Wanted” sa bansa.

Giit nito na hindi kailanman ito ay nagtatago kung saan lagi itong nasa palengke kahit na hindi siya lumalabas sa social media.

Dagdag pa nito na sa may tamang panahon para ibahagi niya ang kaniyang panig.

Itinuturing niya na ang pangyayari bilang isang bangugot na hinding-hindi niya malilimutan.

Pinasalamatan na lamang niya ang mga kaanak at ang asawang si Chito Miranda na hindi nang-iwan sa harap ng pagsubok na kinaharap.

Magugunitang nagbunsod ang kaso sa reklamo ng umanoy mga investors sa kumpanyang Dermacare Beyond Skin Care Solution kung saan kinuha ang actress bilang endorsers.