Kasalukuyan nang nahaharap si Neri Naig sa mga kasong estafa at violation of the Securities Regulation Code (SRC) matapos umanong manghikayat ng mga indibidwal para mag-invest sa isang skin care company na hindi naman otorisadong mangalap ng salapi sa publiko.
Ayon kay Securities and Exchange Commission (SEC) Diretor Filbert Catalino Flores III, nanghikayat umano ng investments si Naig para sa kanilang skin care company at hindi lamang daw siya isang endorser sa kumpaniya.
Batay naman sa kanilang imbestigasyon, nangako umano ang naturang skin care company ng returns na aabot sa 12.6% na interes kada apat na buwan sa loob ng limang taon.
Samantala, dahil hindi nakapagbigay ng mga sapat na dokumento ang kumpaniya, hindi naging otorisado ang mga transaksyon ng pera sa naturang skin care company.
Sa ngayon ay nakapagpiyansa na si Naig para sa kaso nitong estafa habang nakabinbin pa ang isa nitong kaso na syndicated estafa na isang non-bailable offense.
Tinataya namang aabot sa P1.5 milyong piso ang nainvest ng dalawang compalainant sa kumpaniya matapos itong iendorso ng aktres.