-- Advertisements --

Niregaluhan ng yate ni Neri Naig ang asawang si Chito Miranda sa kaarawan nito nitong Pebrero 7.

Sa kaniyang Instagram, ay ipinakita ng dating actress ang yate na kaniyang nabili.

Nahihilig kasing mamingwit ng isda ang asawa na lead vocalist din ng bandang Parokya ni Edgar kaya naisipan niya itong regaluhan ng Yate.

Pinangalanan niya itong “Margarita” na siyang nais na ipangalan kapag nagkaroon sila ng anak na babae.

Balak din ng dalawa na iparenta ang nasabing yate kasabay ng pag-renta sa kanilang beach resort.