Nabigo ang Pinay boxer na si Nesthy Petecio na masungkit ang ikalawang gold medal sana para sa Pilipinas makaraang talunin siya ng mahigpit na karibal na si Sena Irie ng Japan sa women’s featherweight final sa Tokyo Olympics.
Sa kabila nito bumuhos pa rin ang pagbati at paghanga kay Petecio na umabot sa silver medal matapos ang apat na panalo bago hinarap ang local athlete.
Sa unang round pa lamang nakuha na kaagad ito ni Irei pero pagsapit ng second round ay nakabawi ang Pinay sa kanyang agresibong pag-atake.
Pagdating ng third round tinangkang makahabol ni Nesthy pero kinapos na siya dahil sa mas maraming malinaw na suntok ang Japanese boxer para makuha ang 0-5 win.
Ito na ang ika-apat na beses na harapan nina Petecio at Irie at tatlo sa matchup na ito ay napunta lahat sa Japanese boxer.
Sa kabila nito napantayan naman ni Petecio ang naabot na performance noon nina Anthony Villanueva noong 1964 Games sa Tokyo at ni Onyok Velasco noong 1992 Atlanta Games na kapwa rin nauwi sa silver medal sa contrversial fights.