-- Advertisements --
Nakatakdang bumiyahe sa US si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Kinumpirma ng kaniyang opisina ang gagawing pulong nito kay US President Donald Trump sa araw ng Miyerkules.
Siya ang unang world leader na pormal na makakaharap si Trump mula ng umupo ito sa buwan ng Enero.
Ilan sa mga nakalinyang pag-uusapan nila ay ang kaganapan sa Gaza, lagay ng hostages at mga hamon na dulot ng mga kaalyado ng Iran.
Ang nasabing kumpirmasyon na pagkikita ng dalawang lider ay mula ng ipinatupad ang ceasefire ng Israel at Hamas.
Magugunitang sa kampanya noon ni Trump ay sinabi niyang uunahin niyang tapusin ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.