-- Advertisements --
Nakatakdang magpulong ng personal sina US President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Si Netanyahu ang unang world lider na bibisita sa White House matapos na ipinatupad ni Trump ang mataas na taripa sa mga bansa.
Giit ni Netanyahu, nais lamang niyang bigyang halaga ang personal na koneksyon nila ni Trump.
Ilan sa mga maaaring talakayin ng dalawang lider ay ang pagpapatupad ng ceasefire sa Gaza.
Magugunitang noong Pebrero ng magkita na ang dalawa kung saan ilan sa mga natalakay nila ay ang hakbang para tuluyang ipatupad ang ceasefire.