-- Advertisements --
Bahagyang napapapayag na ng mga bansang US,Qatar at Egypt si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Kasunod ito sa ginawang pulong nasabing bansa sa Paris.
Ilan sa mga tinalakay dito ay ang panibagong ceasefire deal na kinabibilangan ng pagpapakawala ng mga Palestinian prisoners na hawak ng Israel.
Sinabi ni Netanyahu na kaya may delegasyon itong pinadala sa Paris para pag-aralan ang nasabing panibagong peace deal.
Magpapdala rin ito ng mga tao sa Qatar sa susunod na araw para sa pagplantsa ng usaping pangkapayapaan.
Una ng nagmatigas si Netanyahu na hindi sila papayag na magkaroon pa ng panibagong usaping pangkapayapaan hanggang hindi nila tuluyang napupuksa ang Hamas sa Gaza at mapalaya ang mga bihag ng mga militanteng grupo.