-- Advertisements --

Nakatakdang magtungo sa US si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ayon sa White House na personal nitong makakapulong si US President Joe Biden.

Haharap din si Netanyahu sa US Congress sa darating na Hulyo 24.

Magugunitang makailang ulit na nagkaroon ng pag-uusap sina Biden at Netanyahu sa telepono para isulong ang peace deal at matigil na ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.