-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa White House si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ayon sa opisina nito na isasagawa ang pagbisita sa darating na Pebrero 4.
Una ng sinabi ni US President Donald Trump na plano niyang kausapin si Netanyahu at magtutungo sa White House ang Prime Minister.
Ang nasabing pag-uusap ay kasunod ng ipinatupad na anim na linggong ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.
Una na rin iminungkahi ni Trump na dapat tanggapin ng Egypt at Jordan ang mga Palestino na nawalan ng tirahan dahil sa pag-atake ng Hamas na nagsimula noong Oktubre 7, 2023.