-- Advertisements --

Binalaan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang bagong mamumuno sa Syria.

Sinabi nito na dapat ang bagong mamumuno ay hindi susunod sa yapak ng pinatalsik na si President Bashar al-Assad.

Hindi rin dapat na hayaan nito na muling makagalaw ang Iran sa kanilang bansa.

Dagdag pa nito na kapag hinayaan ng Syria na makapagpalipat ang Iran ng kanilang armas sa Hezbollah at atakihin sila ay hindi sila magdadalawang isip na umatake at pagbabayarin ang Iran ng mabigat na kapalit.

Patuloy ang ginagawang pag-aatake ng Israel Defense Forces sa Syria kung saan tinarget nila ang mga air-defense at mga ammunition depot nila.

Nais kasi ng Israel na magkaroon ang bagong administrasyon ng Syria na walang kakayahan sa mga air defense.