-- Advertisements --

Binalaan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang ginawang magdamagang pag-atake sa Gaza ay simula lamang ng matinding pag-atake.

Sinabi nito na sa mga susunod na araw ay magsasagawa muli sila ng mga matinding pag-atake sa Gaza.

Dagdag pa nito na ramdam na ng Hamas ang lakas ng kamay ng Israel sa loob ng 24 na oras kaya ipinapangako nito ng ito ay simula lamang.

Isinagawa nito ang nasabing pag-atake para mapilitan ang mga Hamas na pakawalan ang mga bihag na kanilang hawak.

Magugunitang sa nagdaang 24 na oras ay umabot na sa 400 katao ang nasawi sa airstrike ng Israel na ang tinamaan ay mga kabahayan sa Gaza.