Binalaan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang Houthi rebels ng Yemen dahil sa missile attack.
Ayon sa Israel Defense Forces, na isang missile na galing sa Yemen ang bumagsak sa isang open area ng central Israel.
Nagdulot ito ng malaking sunog mula at wala namang nasugatan sa insidente.
Nadamay lamang sa insidente ang mga gusali na nagdulot ng pagkabasag ng mga salamin ng train station.
Kinumpirma naman ito ng Iran-backe Houthis military ang insindente kung saan gumamit umano sila ng bagong hypersonnic ballistic misilles.
Nagbabala pa ang mga ito na asahan ang maraming mga missile strikes sa mga susunod na araw lalo na at nalalapit ang October 7 na pag-atake ng Hamas.
Sinabi ni Netanyahu na hindi nila ito palalampasin at tiyak na magbabayad ang Yemen at Iran sa pangyayari.
Mararapat na magbayad ng mabigat ang mga Houthi gaya ng mga nangyari noong ginawa nilang pag-atake sa Yemeni port ng Hodeidah noong Hulyo matapos ang drone attack sa Tel Aviv.