-- Advertisements --

Binantaan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ito ay gaganti sa Hamas matapos ang pagpapasakamay nila ng mga nasawing bihag nila.

Kabilang sa apat na nasawing bihag na ipinasakamay ng Hamas ay ang sanggol at kapatid nitong apat-na taong gulang na kanilang dinukot noong October 7, 2023.

Dagdag pa ni Netanyahu na kanilang gagantihan ang Hamas dahil sa lubhang nadurog ang puso ng mga pamilya ng nasawing biktima.

Binatikos din ni United Nations human rights chief Volker Turk ang ginawang pagpapasakamay ng Hamas sa mga bangkay dahil ito ay tila ipinarada pa nila habang pinapanood ng mga Palestino.

Magugunitang nagpatupad ng ceasefire noong Enero kung saan bahagi sa nasabing usapin ay ang pagpapakawala ng Hamas ng mga bihag nila habang ang Israel ay papakawalan din ang mga Palestinong nakakulong sa kanilang bansa.