-- Advertisements --
Mahigpit na binilinan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kaniyang mga sundalo na paigtingin ang pag-atake sa Gaza.
Sa ginawa nitong pagbisita sa northern Gaza, sinabi nito na gagawin nila ang pag-atake hanggang tuluyang mapalaya ang mga bihag ng Hamas.
Ipagpipilitian nito ang patuloy na pag-atake at ang pagpapalaya sa mga hostage.
Kinondina naman nina Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi at Kuwaiti Emir Mishal al-Ahmad Al Sabah ang patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza.
Ayon sa dalawa na mahalaga na ibalik ang nasabing ceasefire na gaya ng napagkasunduan noong nakaraang Enero.
Hindi na dapat lumala pa ang sitwasyon dahil sa maraming mga sibilyan na ang nasawi bunsod ng walang tigil na pag-atake ng Israel sa Gaza.