-- Advertisements --
Binalaan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kaniyang mga sundalo na kaniya itong tatanggalin ang mga ito kapag humingi ng ceasefire.
Ito ang naging mahigpit na bilin ni Netanyahu sa ginawang pulong niya sa mga sundalo.
Ibinunyag kasi ng Israel Defense Forces (IDF) na mayroong kumalat na petisyon na pinapapirma sa mga sundalo para ipanawagan ang agarang pagtatapos ng giyera.
Nakasaad din sa petisyon ang pagpapatupad ng ceasefire kapalit ng pagpapalaya ng mga bihag nila.
Magugunitang noong Marso 18 ng pinaigting muli ng Israel ang pag-atake sa Gaza matapos na labagin ang ceasefire at prisoner exchange agreement na ipinatupad noong Enero 19.