-- Advertisements --

Binatikos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang lider ng Hamas dahil sa umiiwas ang mga ito na sumang-ayon sa kasunduan.

Una ng sinabi ng Hamas na nagdagdag ng mga bagong kondisyon at hiling ang Israel sa ceasefire proposal ng US.

Sa pinakahuling pag-uusap na isinagawa sa Rome na pinangunahan ng mga mediators ay wala pa ring naging magandang kasunduan ang naplantsa.

Giit ni Netanyahu na ang Hamas ay mayroong 29 na pagbabago ay hindi pa sila sumasagot sa orihinal na kasunduan.