Binatikos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga bansang kumikilala bilang estado ang Palestino.
Sinabi nito na ang nasabing pagkilala ng mga bansa ay Palestino ay tila kinakampihan na nila ang mga Hamas.
Nangangahulugan din na tila sinusuportahan ng nasabing mga bansa ang terorismo.
Giit nito na ang pagkilala sa mga terorismo ay hindi magdadala ng kapayapaan.
Magugunitang inihayag ng mga bansang Ireland, Spain at Norway na epektibo sa Mayo 28 ay pormal na nilang kikilalanin ang Palestine bilang estado.
Inihayag naman ni Norwegian Foreign Minister Espen Barth Eide na kanilang kaibigan din ng Israel pero may karapatan din ang kanilang bansa na magdesisyon kung ano ang nararapat.
Dagdag pa nito na ang pagsuporta nila sa Palestinian Authorities ay nagmula sa isinasaad ng Palestine Liberation Organization.
Paglilinaw din nito na hindi nila sinusuportahan ang mga Hamas dahil ang ginawa nila ay anti-Hamas.