-- Advertisements --

Personal na binisita ni Israeli Prime Minister ang mga sundalo nito na nakatalaga sa Rafah crossing.

Sa kaniyang pulong sa mga sundalo nito na nasa kritikal pa rin ang kalagayan sa pagkontrol nila ng Rafah crossing at ang Philadelphi Corridor.

Ang Philadelphi Corridor kasi ay may habang 14 kilometro na sumasakop sa border sa pagitan ng Egypt at Gaza.

Dagdag pa nito na ang pagkontrol sa nasabing lugar ay makakatulong para tuluyang mapalaya ng mga Hamas ang hawak nilang bihag at hindi na maantala pa ang kasunduan.