-- Advertisements --

Handa namang tanggapin ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang anumang personal na pag-atake basta makatanggap sila ng mga bala at arma sa US.

Sinabi nito na normal lamang na maraming batikos na matatanggap sa pinaigting na kampanya nila laban sa Hamas.

Pero iginiit nito na mahalaga pa rin ang tulong na mga armas at bala mula sa US para tuluyang malabanan ang mga Hamas militants.

Magugunitang naglabas ng pagkadismaya at binatikos ni White House national security spokesperson John Kirby ang Israeli Prime Minister dahil sa hindi makatarungang kampanya nila laban sa mga Hamas.