-- Advertisements --

Nagpahayag ng kawalan ng pagkabahala si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa anumang desisyon na ilabas ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi nito na hindi makakaapekto ang ICC sa kanilang pag-atake sa mga Hamas sa Gaza.

Giit na sa kaniyang panunungkulan ay hindi tatanggapin ng kaniyang bansa ang desisyon ng ICC dahil karapatan nito na ipagtanggol ang bansa.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay inireklamo ng Law ofr Palestine organization sa ICC ang Israel dahil sa pagkamit nito ng genocide laban sa mga Palestino.