-- Advertisements --

HIndi natitinag si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na harapin ang mga iba’t-ibang militants groups mula sa Iran.

Sinabi nito na mayroong pitong grupo mula sa Iran ang kanilang kalaban ngayon ang Hamas, Hezbollah, the Houthis, mga militias ng Iraq, Syria, Judea at Samaria sa West bank at ang Iran mismo.

Ganun pa man ay wala aniya silang takot na harapin ang nasabing mga militants group.

Pagtitiyak niya na hindi magwawagi ang nasabing mga grupo na kaniyang nabanggit.