-- Advertisements --

HIndi pinayagan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang biyahe ng kaniyang Defence Minister sa US.

Nakatakda sanang magtungo sa US si Israeli Defense Minister Yoav Gallant para makapulong si US Defense Secretary Lloyd Austin.

Layon ng nasabing pag-uusap ay ang magiging kasagutan ng Israel sa mga airstrikes ng Iran.

Giit ni Netanyahu na ang walang final approval ang security cabinet at hindi sila magpapadikta sa anumang hakbang nila laban sa Iran.