-- Advertisements --

Hiniling umano ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kay French President Emmanuel Macron sa kanilang naging pag-uusap sa telepono na huwag ipatupad o harangin ang arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.

Base sa report, tinalakay ng dalawang lider ang naturang usapin noong nakalipas na linggo.

Sa pag-uusap ng dalawa, nagpahayag umano ng kaniyang galit si Netanyahu at hiniling kay Macron na huwag ipatupad ang desisyon ng korte.

Bagamat hindi naman nagbigay pa ng opisyal na pahayag si Pres. Macron kaugnay sa naturang usapin, base sa impormasyong nakuha mula sa ilang sources, sinabi ni Macron kay Netanyahu na ipapairal ng France ang international law at inihayag na maaaring maggawad ng immunity ang mga huwes sa heads of state.

Matatandaan nga na noong November 21, inisyuhan ng ICC si Netanyahu ng arrest warrant kasama ang kaniyang dating Defense Minister na si Yoav Gallant para sa war crimes at crimes against humanity sa Gaza.