TEL AVIV, israel – Inakusahan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang grupong Hezbollah dahil umano sinubukan siyang patayin gamit ang drone matapos lusubin ang kaniyang bahay sa Caesarea, Israel.
“The attempt by Iran’s proxy Hezbollah to assassinate me and my wife today was a grave mistake,” ani Netanyahu.
Itinanggi naman ng Hezbollah ang paratang ni Netanyahu. Nagudyok ang mas matinding hidwaan ng Hezbollah at Israel matapos mapatay ng Israel ang lider ng mga militanteng grupong Hezbollah na si Hassan Nasrallah at si Yahya Sinwar ng Hamas.
Wala naman sa kanilang bahay si Netanyahu nang maganap ang nasabing pagtatangka, habang walang naitalang sugatan mula sa pag-atake ng Hezbollah.
Ayon naman kay Israel military spokesman Rear Admiral Daniel Hagari na-intercept nila ang tatlong drone na ipinadala ng Hezbollah mula sa Lebanon.
“The third hit a building in Caesarea while trying to hit the prime minister,” sabi ni Hagari
Sinabi naman ni Israeli Foreign Minister Israel Katz na ang drone attack na isinagawa sa bahay ni Netanyahu ay patunay ng tunay na kulay ng Islamic Republic.
Inakusahan naman ni Katz ang Iran na umano’y pasimuno ng ‘evil axis’ sa rehiyon.