-- Advertisements --

Inilatag na ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga scenarios sa ibang mga lugar bukod sa Gaza.

Kasunod ito sa banta ng Iran na maari silang maglunsad ng pag-atake sa US at ilang bahagi ng Israel.

Personal din na binisita ni Netanyahu ang mga sundalo niya sa Tel Nof Air Base kung saan tiniyak nito ang kahandaan nila sakaling may pag-atakeng maganap.

Muling inulit nito ang kaniyang naging pahayag noon na ang sinumang nanakit sa kanila ay tiyak ang pagganti.