-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pagkabomba sa Jala high-rise block sa Gaza.

Sinabi nito na tama lamang na bombahin ang nasabing gusali dahil may natanggap silang impormasyon na doon naninirahan ang mga Palestinian terrorist organization.

Ang nasabing grupo ay siyang nagpaplano ng mga pag-atake sa Israel.

Ilang oras bago ang pang-aatake ay sinabihan na rin nila ang mga mamamahayag na nasa gusali na lumikas agad.

Mariing pinabulaanan naman ng namamahala ng gusali na may koneksyon sila sa Hamas militants.