-- Advertisements --
Itinuturing ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na isang magandang resulta ng kanilang atake ang pagpapakawala ng dalawang bihag ng Hamas.
Ang mga bihag na sina Fernando Simon Marman , 60-anyos at Louis Har,70-anyos ay hawak ng Hamas mula pa noong Oktubre 7.
Ang dalawa ay nailigtas ng Israel Defense Forces ng pasukin nila ang gusali sa Rafah City sa Gaza Strip.
Sa pinaigting na strke ng Israel sa Rafah ay mayroong mahigit 100 katao na ang nasawi.
Umaasa ang Israel na magpapakawala pa ang mga Hamas ng kanilang hawak na bihag.