-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa US si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa susunod na buwan.

Ito ang unang pagkakataon na bibisita si Netanyahu sa US mula ng ilunsad ang atake sa Gaza.

Inaasahan na magtatalumpati ang Israeli Prime Minister sa US Congress.

Una rito ay nanawagan si Netanyahu sa US na kung maaari ay bilisan nila ang pagbibigay ng mga armas sa kanila.

Nasa US na rin si Israeli Defence Minister Yoav Gallant para makapulong si US Secretary of Defense Lloyd Austin at US Secretary of State Antony Blinken.

Sinabi nito na handa sila sa anumang panibagong hakbang na gagawin nila laban sa Gaza, Lebanon at ilang mga lugar.