-- Advertisements --

Ibinunyag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na mayroon ng petsa ang kanilang pag-atake sa Rafah city sa Gaza.

Sa kaniyang inilabas na video ay sinabi niyang tuloy-tuloy na ang kanilang pag-atake at hindi na sila magpapapigil pa sa anumang bansa.

Hindi naman nito binanggit kung kailan ang petsa ng nasabing pag-atake.

Magugunitang maraming bansa ang nakiusap sa Israel na huwag ng lusubin ang Rafah dahil madadamay dito ang nasa 1.5 milyon na mga Palestino doon na doon na nagtungo dahi sa patuloy na kaguluhan.