-- Advertisements --
Nag-alok si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ng $5 milyon at ligtas paglabas sa Gaza sa sinumang makakapaglabas ng mga bihag.
Sinabi nito na anumang sinumang Palestino ay magkakaroon ng ligtas na pagtakas palabas ng Gaza kapag dinala sa Israel ang mga bihag.
Magbibigay ito ng tig-$5-M sa bawat bihag na mapapalaya.
Kinontra naman ito ng mga kritiko ni Netanyahu kung saan ang nasabing hakbang niya ay tila pinapatagal niya ang nasabing pagtugon sa ceasefire deal.
Magugunitang nanindigan si Netanyahu na hindi sila hihinto hanggang hindi tuluyang mabura ang mga Hamas at mapalaya ang mga bihag.