-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa mga pamilya ng anim na bihag na pinatay ng mga Hamas.

Sinabi nito na kaniyang nakausap ang mga kaanak ng anim na biktima kung saan malapit na sana nila mailigtas ang mga ito subalit sila ay nabigo.

Pagtitiyak naman nito sa mga kaanak ng biktima na pagbabayaran niya ang mga Hamas.

Magugunitang natagpuan ang anim na bangkay ng mga bihag ng Hamas sa isang tunnel sa Gaza.

Dahil sa insidente ay sumiklab ang malawakang kilos protesta sa nasabing bansa kung saan nananawagan silang marapat na tumugon na si Netanyahu sa isinusulong na ceasefire.